Paano ba tayo magiging masaya ngayon? As in, ngayon...kasama na ang araw na ito. Or simula sa araw na ito. O kahit lang sa araw na ito. Pero siempre, mas maganda, yung masaya tayo araw-araw, o kung hindi man puede ang araw-araw, kahit man lang majority of the days of each week, masaya tayo.
Ang ating damdamin ay kusang naaapektuhan ng mga naririnig natin, mga nararanasan natin, at mga nangyayari sa ating paligid. This is what we call our 'circumstances'. Ang isang taong nahihirapang sumaya ay yung mga taong madaling makontrol ng kanilang circumstances (unless of course the circumstance in point is jovial).
Someone once said that our circumstances is just 10% of our quest for happiness...90% is attitude. Attitude...yes...attitude ang pinakamalaki. Kahit gaano pa kadami ang nangyayari sa ating paligid at sa ating buhay, kahit minsan sobrang nakaka-overwhelm na...yung attitude pa rin natin towards an issue or situation ang pinakamagdidikta kung tayo ay magiging masaya.
Kabuhol ng attitude ay perspective. Kapag nadapa ka, puede kang magmukmok at malungkot sa galos at sugat mo. At puedeng manatili kang negative about the accident. Pero puede ring ang perspective mo ay ganito: "Ganito pala ang magkasugat, masakit pala... now may added learning ako. Makakasimpatiya na ako sa iba." Or dahil sa nangyari, natuto ka ng mag-ingat, at sasabihin mo sa sarili mo "Next time, I know what to do...I'm wiser now."
Pag may ganito tayong positive attitude in any of and in all our situations, then we found the way to happiness...not only for today, but for everyday.
Be happy!
Kuya Tony
No comments:
Post a Comment